Friday, July 1, 2016

BES, ANO ANG STOCK MARKET? (PAKI-EXPLAIN NAMAN BES)


STOCK MARKET. BIG WORD. :) ANO NGA BA ANG STOCK MARKET?

Susubukan ko i-explain para sayo bes. :)

Simulan natin kay Jollibee. Siguro naglalaway ka ngayon pag naiisip mo ang chickenjoy at peach mango pie nila!!

Alam mo ba bes, si Jollibee dubbed as Asia's answer to Mcdonald's! Tatak Pinoy yan bes!
As of January 2015, meron na itong 3,000 stores sa buong mundo at patuloy pa silang nag eexpand!!


Teka, teka.. kung ganyan karami ang branches napakalaki ng kinikita ng may ari ng Jollibee!!!!!

Sa mga di nakakaalam, ang Jollibee ay pag aari ni Mr. Tony Tan, isang Filipino businessman.
Pero magugulat ba kayo pag sinabi ko na di lang si Tony Tan ang nagmamay-ari ng Jollibee?
In fact, hulaan ninyo kung ilan ang nagmamay-ari ng Jollibee?
Isa? Dalawa? Tatlo? Sampu? Isangdaan?
Bes, hinde lang ganyan. 

Kundi libo-libo ang nagmamay-ari ng Jollibee. 

Di mo ba kinaya bes? Taray bes!

Tama, libo-libong tao ang nagmamay-ari at kasosyo kay Jollibee.
And this is why.
In order for any company to expand, kailangan nito ng pera.

Kailangan nito ng pera, para magpatayo ng mas madaming branches, makapagproduce ng madaming pagkain, makapag hire ng madaming empleyado.

Para makapagpuhunan sa mga nabanggit sa itaas, pang karaniwan sa mga companies na magbenta ng share o stocks para mapalago ang companies nila.

Ibig sabihin bes, pag bumili ka ng stock o share nila, you end up owning a part or share ng company nila.

Ibig sabihin pag bumili ka ng share ng company bes, isa ka na sa may ari ng company, bes. Isa ka na sa mga libo-libong may ari ng company na ito
Ay taray bes! Pak genern! :)

Ibig sabihin nito, dahil shareholder/kasosyo ka ng companies na ito. Makakatanggap ka ng maliit na bahagi ng kinikita ng binili mong share.

Dahil may-ari at shareholder ka na, damay ka na sa success o failure ng company na binili mo.

Ibig sabihin pag kumita ang Jollibee, kumita ka din.
Kapag nalugi ang Jollibee, syempre lugi ka din.

So, bilang shareholder, paano ka kikita?

You earn in 2 ways.

1st

thru dividends.
Every now and then, nagbibigay ang mga companies ng dividends.
Ang dividends ay ang cut mo sa kinita ng kumpanya ng may share ka. :)

2nd

by selling your shares at a higher value.
Over time kasi, tumataas at bumababa ang value ng share mo. :)

Pag lumago ang Jollibee, tataas o lalago ang value ng shares mo.
So kapag binenta mo ang share ng mas mataas sa pagkakabili mo nito.
Kumita ka na!

Alam mo ang pagkakaroon ng stocks o share ay parang negosyo. Hindi sugal, hindi ito lotto at hindi din magic!
Kailangan mo bumili ng mga kumpanya na pinaniniwalaan mo.
Kailangan mo bumili ng mga kumpanya na sa tingin mo will do very well and grow over time.

Dahil ang pagyaman natin at pagkuha sa mga financial goals natin ay nakasalalay sa tagumpay ng mga negosyong ito.

Sana na-explain ko ng maayos at simple ang stock market para sayo. :)



For your abundance,
Charlon
publisher, Filipino Abundance Mindset

PS.  Do you want to make millions in stock market and retire a happy millionaire? Watch how Bo Sanchez guides many Pinoys in investing in stock market. Download also his book my MAID INVEST IN THE STOCK MARKET.
Click here to learn more  trulyrichclub.com✔✔

PS Number 2. We have a great news for you. You can attend a FREE 4 session Financial Fitness workshop in Makati :) 
Click here to learn more.
 --> SAVING YOUR FUTURE
 
PS Number 3. Do you want to LEARN INTERNET MARKETING?  Do you want to know how to make money online? Do you want to know how to market via facebook and email? Click here to learn more -- >  internet marketing 101✔✔








No comments:

Post a Comment